Ano ba ang BIDANG BANDA?
June 19th, 2008 by dapampamIto ay isang espesyal na gig na magtatampok ng isang banda na magiging "bida" para sa gabing iyon. Bibigyan sila ng pagkakataon na maiparinig ang sariling musika at maipakilala ang kanilang mga sarili sa mga tao. Profit sharing ang gig na ito. Ibig sabihin may cut ang bands sa kita na maiipon sa gabing iyon.
PAANO NGA BA PINIPILI ANG MAGIGING BIDA?
Sa tuwing magpapa-gig kami, mamimili ang staff sa mga bandang tumutugtog sa’min… Kapag iisa ang desisyon ng lahat o mas nakararami ang sumanga-ayon sa napili sila na ang itatampok. NGUNIT! Kung marami-rami ag KARAPATDAPAT, taumbayan [Literal] na ang magpapasya sa pamamagitan ng botohan na tatagal ng 3 linggo. Ang mananalo sa "poll" na iyon ang tatanghaling BIDANG BANDA.
ANO ANG BASEHAN NG PAGPILI?
1.] UGALI: On-time ba sila dumating? Sumunod ba sila sa patakaran ng produksyon? Madali ba silang pakisamahan? Mabait naman ba? Binigyan ba kami ng sakit sa ulo? Marunong bang rumespeto sa iba? MAPAGKUMBABA at MARUNONG LUMUGAR.
2.] ORIGINALITY: Importante na may sariling komposisyon, pero kung cover naman, titignan namin kung maganda ba ang sarili nilang arrangement. Nabigyang hustisya ba ang kanta? Napaniwala ba nila kami na kanila ang mga awiting iyon? Patok ba ng kanilang estilo? Magmamarka ba ang tatak nilang ito?
3.] MUSIKALIDAD: HINDI mahalaga ang antas ng kagalingan, hindi kami naghahanap ng eksperto at hinog na. ANG IMPORTANTE AY TOTOO SILA SA SARILI NILANG MUSIKA. Ang "skill" ay nahahasa pero ang "TALENTO" ay natural. Hindi porket kabisado mo ang scale at kaya ng mga daliri mong pang-spiderman na mamasyal sa lahat ng frets ng gitara ay karapat-dapat ka na. Malaking bahagi ng musika ang puso.